Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino Tula

Mga Tula Tungkol Sa  Buwan Ng Wika 2019 na ang tema ay Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino. Sa post na ito ay ibabahagi ko ang mga halimbawa ng tula na tungkol sa buwan ng wika at kaugnaya na rin sa tema ngayong 2019 na Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino

Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino


Ipinaglaban ng mga sinauna
Sagisag ng ating bansa
Ito'y pinagtanggol
Dugo't pawis ang ginugol!

Binubuklod ang bawat isa sa atin
Ginagamit upang maipahayag ang damdamin
Naramdama'y paano na?
Kung wika'y hindi nagawa


Hindi lamang isa hindi lamang dalawa kung hindi marami na
Bawat isa ay iba iba ngunit nagkakaisa
Wika ang dahilan kung bakit tayo'y nakilala
Kayang makipag sabayan sa iba't ibang bansa



Kabataan ang pag asa ng bayan
Wikang pambansa'y hinahagkan
Ngunit pigilan man pag babago'y hindi maiiwasan
Narito kami patuloy na tinatangkilik at pinagyayaman


Hindi man sadya ngunit ito'y tawag ng ating pangangailangan
Kung kaya't ating wika'y patuloy na nadadagdagan
Wika.... wika nati'y yumayabong pa
Tila ba araw araw may mga bagong salita


Pilipino o Filipino, Wikang pambansa ito
Dignidad ng bawat nialalang dito
Wika ma'y pabago bago
Tayong mga Pilipino'y nararapat na ipag malaki ito!


Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino Tula

"Sabay sa Agos ng Buhay"
Isa sa mga pangunahing pangangailangan,
Ng tao't buong sanlibutan;
Wikang para bagang isang daan;


Upang maipahayag ang ideya't kaalaman.

Wikang nagsisilbing simbolo;
Pagkakakilalan ng bawat tao;
Partikular ang Wikang Filipino;


Ipamamarali ng may pusong Pilipino!

Wikang tila tubig at hangin,
Umaayon sa bugso ng puso't damdamin;
Aanuri't tatangayin,


Sabay sa imbensyon ng isipang malikhain.

Maaaring noon pa sa wika'y may pagbabagong nagaganap na;
Baybayin, binuwag ng mga paring Kastila't naging Romana;
Pero di tulad sa kinahaharap ngayon ng ating bansa;


Pagkat ang wika ay nakabatay sa modernong teknolohiya.

Pagsulpot ng wikang masisining,
Senyales na tunay na mayabong nâ ang wika natin,
Sana'y lalong pag-igtingin;


Pero orihinal na wika'y huwag kalimuta't panatilihin!

Wikang Filipino, Wika ng tunay na Pilipino;
Wikang ito, kailanma'y hindi magbabago;
Patuloy sa pagbungkal, pagyabong at paglago,
Pagkat Wikang Filipino: Wikang Mapagbago!


Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino Tula

Ang wika natin ay sadyang mapagbago
Ito ay sumasabay sa pag ikot ng mundo
Na tila ba walang katapusan
Pa usbong ng pausbong at nadadagdagan


Ang wika nato ay sariling atin
Kaya dapat natin itong tangkilikin
Hindi dapat ito kalimutan
Dahil ito ay para sa ating bayan


Ang wika natin ay ang tungtungan
Ng ating mahal na bayan
Kaya dapat itong mahalin at pag ingatan
Upang sa gayon ay hindi niya tayo bitawan


Ang wika na ating ginagamit
Ay hindi hindi dapat nating ipagpalit
Sa mga wikang banyaga
Na hindi saatin nagmula

Ang wikang filipino

Ay ang bumubuhay sa mga pilipino
Ito ay nagbibigay ng kulay
At ginagamit upang mag tagumpay

Ang wika natin ay tunay ngang mapagbago

Dumadami man o nagbabago
Pero isa lang ang masasabi ko
Hindi ito pwedeng mabura sa mundo

No comments