Tula Tungkol sa Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino

Mga Tula Tungkol Sa  Buwan Ng Wika 2019 na ang tema ay Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino. Sa post na ito ay ibabahagi ko ang mga halimbawa ng tula na tungkol sa buwan ng wika at kaugnaya na rin sa tema ngayong 2019 na Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino

Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino (tula)



Ang Filipinong wika
Sadyang nakakamangha,
Itong mga salita
At mga balarila.

Ang wikang katutubo
Ay mula sa'ting ninuno
Unti-unting nagbabago
Patuloy na umaansenso.


Ang Filipino ay buhay
At palaging sumasabay
Sa matataas na alon
Ng makabagong panahon



Higit isang daan ang wika
Ng ating nag-iisang bansa,
Bakit pinipili ang iba
Tila ba tayo'y di iisa


Ngunit bakit ganoon
Ang Pilipino ngayon
Ibang wika inuuna
Tila ba atin nalimut na.


Kaya nga ang wika ay umaayon
Sa panlasa ng mga tao
Kaya nga ang tema ngayon:
Filipino, wikang mapagbago


Wikang Katutubo Tula

Ang Filipino ay wika ng bansa ko
Higit sa isang libong pulo
Higit sa isang daan ang dayalekto
Kaya naman ito ay ipinagmamalaki ko.


Totoo nga ba,
Na sa sarili nating wika
Tayo’y napapanganga
Di malaman ang maayos na paggamit ng balarila.


Tila ginamit na pampalipas
Ang pagbuo ng mga bagong salita
Na siyang ginagamit oras-oras
Ng mga taong sadyang mapaglikha.



Dapat nga bang mabahala o dapat ikatuwa
Ang pagyaman ng ating salita
Kung saan ang henerasyong ito
Ang mas nakakaintindi dito


Sina lolo at lola
Malalalim na salita pa din ang gamit nila
Ang nais ipahiwatig ay di ko makuha
Mga salitang ito, uso pa ba?


Sa paglipas ng panahon
Hiram na salita, mga bagong salita ang bumaon
Sa munting kaisipan ng mga tao ngayon
Wikang mapagbago ano kaya ang susunod?


Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino Tula

Pinakamamahal na wika ko
Hindi ko inakalang ika'y magbabago
Mga salitang binibigkas ng mga anak mo
Nagsisilbing pagkakakilala sayo ng ibang tao


Malaya kang lumilipad sa kalangitan
Isinisiwalat ang angkin mong kagandahan
Tinuturing ka naming kayamanan
Ngayo'y mistulang ika'y unti-unting dinadagdagan



Mahal naming wika ikaw nga'y sadyang mapagbago
Salitang angkin mo dinagdagan ng panibago
Mahigit isang daang dayalektong taglay mo
Sa mga araw na lumilipas may pagbabagong natatamo


Sinimulan sa eyow phowecxz ng bhocxzs niya
At sinundan ng pak ganern ni vice ganda
Nakakamangha ang husay nila
Mahal na wika pinauunlad ka nila


Naging makabago na nga ang wika
Pagbabagong tinatangkilik ng mga bata
Nauusong mga kakaibang salita
Ang siyang nagpapayabong sa ating wika


Ngunit di dapat makalimutan
Kapag ang wika ay ating pinagyayaman
Dapat parin nating matutunan
Mga wikang parte ng ating kasaysayan


Ang wika man natin ay mapagbago
Gano man kadaming pagpapalit mangyari dito
Manatili parin sana sa isip, kaluluwa at puso mo
Na Ika'y isang pilipino na parte ng isang wikang mapagbago.

No comments