Buwan ng Wika - Wikang Katutubo Tula


Mga Tula Para sa Buwan Ng Wika 2019 ("Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino"). Sa post na ito ibabahagi ko ang mga sample na tula tungkol sa buwan ng wika na may temang "Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino". Isa sa mahahalagang patimpalak na ginagawa sa bawat paaralan sa buong bansa ay ang paggawa ng tula. 







"Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino Tula" 

Makaluma,makabago
Tila ba isip na pabago-bago
Sa panahon na tayo'y moderno
Ang wika at tao,paano magtatagpo?

Wika noon, sa wika ngayon
Magtutuloy sa kasalukuyang henerasyon
Wikang binihisan at pinalitan
Naghahanap ngayon ng pagkakakilanlan


Uusbong makabagong salita
Mawawala salitang matatalinhaga
Maraming katawagan,maraming halimbawa
Jejemon,Taglish,ang tawag sa kanila



Wikang ginagamit,wikang sinasambit
Wikang nagbabago sa isang saglit
Wika na kailangan ng sinuman
Wika na nagsisilbing kayamanan


Ikaw,ako at siya
Magbabago ng dahil sa kanya
Siya ang wikang kumakatawan
Mula sa akin hanggang sansinukuban


Wikang nangungusap,wikang nagtuturo
Sa akin at sa iyo kung ano ang totoo
Hanapin,alamin,subukang dinggin
Upang tunay na katauhan ay palabasin


Sama-sama,buklod-buklod
Kahit iba-iba,magiging isa
Wika ang magiging koneksyon


Sa matibay na pundasyon

Salamat sa iyo,tayo'y muling nagtagpo
Sa kabila ng lahat,tayo ay konektado
Salamat sa iyo,wikang Filipino
Wikang Filipino,Wikang mapagbago


Wikang Katutubo (Tula) 

Kapwa tao, ginang at ginoo
Bakit ang wika'y kay bilis magbago?
Mula sa katutubo naging moderno
Gaya ng wikang filipino


Kaysarap lang isipin
Wika nating angkin
Bawat salitang banggitin
Makabagong lenggwahe ang dating


Sa lawak ng ating kaisipan
Makabagong wika'y napadaan
Beki language ano pa man
Ito'y sikat sa buong sambayanan




Ang galing naman ng wika
Araw araw may bagong salita
Sino nga ba ang may sala?
O Kay husay lang maglathala


Wika nating hindi napapansin
Kay raming bagong dumarating
Nagsisilbing kayamanan kung ituturing
Itong wikang sariling atin


Kayat kapwa tao, ginang at ginoo
Pagyabungin ang wikang Filipino
Ito'y Susi para sa pagunlad at progreso
Nitong Wikang Mapagbago


Wikang Katutubo (Tula) 

Ang wikang filipino
Ay wika nitong tao,
Patunay na simbolo
Ng isang Pilipino


Sumasabay sa uso
At pag-unlad ng mundo,
Ito ay nababago
Kasabay, pag-asenso


Itong modernong mundo
Ay ang nagpapabago
Sa wikang ating gusto
Tatak ng Pilipino




May wikang nalilikha
Ng taong mapaglikha
Lubos nakikilala
Salitang nagagawa


Ngunit ang pinagtibay
Ng nagbuwis ng buhay
Ay laging gawing gabay
Sa pagtahak ng buhay


Wika na umuunlad
Tayo nga bay mapalad?
Wikang nalilimot na
Dahil ba may bago na?

No comments