Wika ng Saliksik Tula (Buwan ng Wika 2018)

Sample Tula for Buwan Ng Wika 2018 - Filipino: Wika ng Saliksik.  Agosto ay ang Buwan ng Wika ang Wikang Filipino. Sa taong ito ang napagdesisyonan na tema/theme ay Filipino: Wika ng Filipino. Maraming mga events at patimpalak na idinaraos tuwing Buwan ng Wika gaya ng paggawa ng slogan, poster making at paggawa ng tula o sanaysay. Sa post na ito ang ibabahagi ko ay sample ng tula tungkol sa buwan ng wika na ang tema ay Filipino: Wika ng Filipino.




Wika ng Saliksik Tula 


Kung gaano kabilis dumami ang populasyon
Kaalinsabay din ang mga salita sa ating nayon
Salitang tila panibagong silang na sanggol
Kung kaya't 'di makakaila na ang wika'y yumayabong

"Wer na U? D2 na mEh"
Baybaying kasing gulo na ng kalye
"Eowxzs poxzs, mUzta nah?"
Wikang Jejemon nakakatwa


Dito ako'y labis na nagulumihanan
Isang bading kasi ang tumuran
"Luz Clarita, Luz Valdrez"
"Mudra", "Pudra", kalerki hindi 'ko siya na gets



Ang mapaglarong isipan nga naman ng bagong henerasyon
Bagong bersyon ng salita sa bukabularyo't panaho'y umaayon
Mga matatalinhagang salita'y lumalaon ay bumabaon
Kung kaya't 'di makakaila na ang wika'y yumayabong


"Tara, Let's eat na!"
Ingles, tagalog pinagsama
Nakakatwa pag ito'y sinasalita
Ngunit ito'y hindi tama sa Filipinong balarila


Ang mapagbagong wika
Tila binago ang tabas ng ating dila
Oo't may makukuhang mapagbagong kaalaman
Ngunit pagtuloy paring pahalagahan ang wikang ng ating bayang sinilangan



Wika ng Saliksik(Tula) 

Ang wika ay nabalot ng kasaysayan
Kung ating babalikan ang masalimuot na pagtatalunan
Ng mga taong makapangyarihan sa lipunan
Tungkol sa wikang Filipino na kanilang napagkasunduan


Ang wika ay lubhang mahalaga
Sapagkat dito tayo nakikilala
Kakambal ito ng ating kaluluwa
Nagbibigay buhay,saya at pag-asa


Ngayong panahong moderno
Ilang mga salita ay nagusbungan at naglaho
Nagbibigay ng pagkaunawaan at pagkalito
Lalo na sa mga matatandang di makasabay sa uso



Tunay nga naman na ang wikay maunlad
Dahil sa mga panibagong bokabularyong naidadagdag
Tayo ay mapalad
Dahil itoy gamit saan man tayo mapadpad


Ang wikay binago tayo
Naging daan sa ating pagkatuto
Katulong sa paghubog ng ating pagkatao
Ito ang ginagamit ng karamihan sa pagasenso 


Sa huli'y huwag pa rin kalimutan
Ang orihinal na wikang ating kinagisnan
Na pamana ng nakaraan
At sa ati'y nagsilbing yaman


Filipino Wika ng Saliksik Tula

Hindi mo maipagkakaila 
Na natatangi ang ating wika 
Wikang lubos na mahalaga 
Dahilan kung bat tayo kilala

Filipino wikang mapagbago 
Binubuo ng mga dayalekto 
Ito ay sumasabay sa uso 
 Sa ibang wika di papatalo


Wika natin ay maraming gamit 
 Itoy hindi ko ipagpapalit 
Sa ganda daming naakit 
Pati banyaga nakikigamit

Bawat oras na lumilipas 
May bagong wikang natutuklas 
Pagbabago ay sadyang likas
 Kapangyarihan nito ay malakas

Ating wika pinagtulungan 
Bawat detalye pinagisipan 
Syempre itoy pinahirapan 
Mga nagambag pasalamatan 

Ang ating wikang Filipino 
Wikang masasabing atin to 
Hindi magpapahuli sa bago 
Itoy dapat ipagmalaki mo

No comments