Tula Tungkol sa Filipino: Wika ng Saliksik (Buwan ng Wika 2018)

Tuwing Buwan ng Agosto idinaraos ang Buwan ng Wika o Buwan ng Wikang Pambansa. Ngayong taong 2018 ang tema ay Filipino: Wika ng Saliksik. Sa aking paningin ang tema ay naaangkop lamang ang perpekto sa Buwan ng Wika dahil na rin sa daming mga pagbabagong nagaganap ngayon sa ating mga kapaligiran. Maraming mga events na ginaganap tuwing Buwan ng Wika kagaya ng slogan making, poster making, paggawa ng sanaysay at paggawa ng Tula. Heto ang Tula Tungkol sa Filipino: Wika ng Saliksik

Filipino: Wika ng Saliksik

Aking ilalahad at ipagtatanto
Ang Wikang Filipino tunay na mapagbago
Kinang nito'y daig pa ang perlas at ginto
Salamin ng kultura at husay ng mga Pilipino

Aking ibibigkas at ipagmamalaki 
Ang Wikang Filipino nitong ating lipi
Pagbabagong pag-unlad nating minimithi
Kinikilala at talagang itinatangi

Aking itutula nang may maayos na tindig 
Ang Wikang Filipino sa maayos na tinig
Biyaya ng Maykapal na ating kapanalig
Patuloy na yumayabong at kanyang dinidilig




Salamat sa wika nating mga Pilipino
Ito ang ugat ng aking husay at talino
Patutunayan ko saan man dako sa mundo
Kilalanin ako sa ningas ng Wikang Filipino

Tula: "Wika ng Saliksik" 

Wikang Filipino
Tunay ngang mahalaga
Itoy sumisimbulo
Bawat tao sating bansa


Ngunit sa paglipas ng panahon
Tila itoy nababaon
Dahil umusbong ang salitang




Pilipino ang may gawa
Nang nasabing salita
Tila pumatok sa masa
Tinangkilik pa ng iba


Kaya Ngayong modernong panahon
Wikay nag halo halo
madaming naguguluhan
Sa wikang makabago


Hindi naman masama
Magkaroon ng bagong salita
Wag lang sanangkalimutan
Ang wikang pambansa


Bago man sa bibig
O bago man sa pandinig
Pero sa huliy mananaig
Ang pagka Pilipino natin.

Wika ng Saliksik (Tula)

Kaluluwa ng bawat bansa
Na dapat ay hindi mawala
Gamit sa pakikipag-kapwa
Walang iba kundi ang Wika


Ibang-iba na ito ngayon
Nakikisabay sa panahon
Nakibagay sa henerasyon
Na siyang makabago ngayon





Nakasabay sa pagbabago
Ang wika ng lahat ng tao
Walang kayang pumigil nito
Kahit tayo pang mga tao


Hindi naman ito masama
Na magbago ang ating wika
Progreso itong makikita
Sa ating pakikipag-kapwa


Dumadali ang pamumuhay
Sa loob o labas ng bahay
Mas madaling nasasalaysay
Mga sasabihin mong tunay


Ang wika nati'y mahalaga
Nababago ang bawat isa
May progreso na makikita
Dahil tayo'y nagkakaisa

No comments